Petsa nang Huling Binago: Setyembre 26, 2014

KASUNDUAN SA LISENSYA NG END USER NG SWYPE KASAMA ANG DRAGON DICTATION

ITO AY ISANG LEGAL NA KASUNDUAN SA PAGITAN MO (ANG INDIBIDWAL O ANG ENTITY NA GUMAGAMIT NG MGA APPLICATION NG SWYPE AT/O DRAGON DICTATION) AT NG NUANCE COMMUNICATIONS, INC. ("NUANCE"). PAKIBASA NANG MABUTI ANG MGA SUMUSUNOD NA TUNTUNIN.

DAPAT KANG SUMANG-AYON SA MGA TUNTUNIN NG KASUNDUAN SA LISENSYA NG END USER ("AGREEMENT") NA ITO UPANG MA-INSTALL AT MAGAMIT ANG SWYPE SOFTWARE AT/O ANG SERBISYO NG DRAGON DICTATION. SA PAMAMAGITAN NG PAG-CLICK SA BUTTON NA "TANGGAPIN", SUMASANG-AYON KA NA SUMUNOD SA MGA TUNTUNIN NG KASUNDUANG ITO. HINDI MO MAAARING GAMITIN ANG SWYPE SOFTWARE O ANG SERBISYO NG DRAGON DICTATION SA ANUMANG PARAAN MALIBAN KUNG NATANGGAP MO NA ANG MGA TUNTUNIN AT KUNDISYONG ITO.

Ang Swype software at serbisyo ng Dragon Dictation ay binubuo ng ilang client/server application na nagbibigay-daan sa mga user ng mga device na kontrolin ang ilang pagpaptakbo ng mga nasabing device sa pamamagitan ng text input at mga spoken command, kasama ang, ngunit hindi limitado sa, kakayahang gumawa ng mga mensaheng text at email. Nagbibigay-daan sa iyo ang mga sumusunod na pangkalahatang tuntunin at kundisyon na i-download, i-install at gamitin ang Swype software, kasama ang anumang karagdagang Swype software na maaaring gawing available para sa iyo ng Nuance at ng mga supplier nito, ("Software"), na nagbibigay ng modality ng text input at nagbibigay-daan sa mga user na i-access ang mga server application ng Dragon Dictation na naka-install sa isang pasilidad ng Nuance (ang "Serbisyo"), at kasamang dokumentasyon na ibinibigay ng Nuance para sa paggamit sa Software at pag-access sa Serbisyo.

1. PAGBIBIGAY NG LISENSYA. Ipinagkakaloob sa iyo (ang "Nililisensyahan") ng Nuance at ng mga supplier nito, ang isang personal, hindi eksklusibo, hindi naililipat, hindi sublicesable at maaaring mapawalang-bisang limitadong lisensya, sa object form code lang, upang ma-install at magamit ang Software sa isang Device, at upang ma-access ang Serbisyo sa pamamagitan ng Software sa nasabing Device, tanging sa mga bansa at wika sa Software at sa Serbisyo na ginawang available ng Nuance at ng mga supplier nito. Ang "Device" ay isang awtorisadong mobile device tulad ng inilalarawan sa website ng Nuance, na matatagpuan sa http://www.nuancemobilelife.com, na maaaring i-update ng Nuance paminsan-minsan. Tinatanggap mo rin at sinasang-ayunan na maaaring may mga karagdagang download ng Software na gagawing available ang Nuance, kasama ang ngunit hindi limitado sa mga wika, keyboard, o diskyunaryo, at maaari mo lang gamitin ang mga nasabing karagdagang download ng Software kasama ng Software na ibinibigay dito, at ang iyong paggamit ng mga nasabing karagdagang download ng Software ay napapailalim sa mga tuntunin at kundisyon ng Kasunduang ito. Ikaw ang magbabayad ng anumang mga bayaring maiipon mo at sisingilin ka ng isang third party (hal. Google, Amazon, Apple), na maaaring magbago paminsan-minsan, kaugnay ng iyong pag-download at paggamit sa Software at Serbisyo. Walang obligasyon ang Nuance na i-refund ang anumang mga ibinayad sa nasabing third party para sa iyong paggamit sa Software o Service tulad ng itinakda sa Kasunduang ito. Tinatanggap mo rin at sinasang-ayunan na gagamitin ng Software at ng Serbisyo ang iyong wireless network upang magpadala at makatanggap ng data, at maaaring singilin sa iyo ng iyong mobile operator at iba pang mga third party ang mga bayarin sa airtime, data, at/o paggamit sa Software at Serbisyo.

2. MGA TUNGKULIN NG NILILISENSYAHAN.

2.1. MGA PAGHIHIGPIT. Hindi mo maaaring (maliban kung pinapahintulutan ng batas): (a) magsumite ng anumang mga automated o na-record na query gamit ang Software o sa Serbisyo maliban kung inaprubahan nang pasulat ng Nuance; (b) gamitin ang Software at Serbisyo maliban para sa iyong sariling paggamit; (c) i-access ang Serbisyo gamit ang software o paraan na iba pa sa Software; (d) kopyahin, muling gawin, ipamahagi, o i-duplicate sa anumang ibang paraan ang Software, nang buo o nang baha-bahagi; (e) ibenta, parentahan, lisensyahan, bigyan ng sublicense, ipamahagi, italaga, ilipat o ipagkaloob ang anumang mga karapatan sa Software o sa Serbisyo, sa kabuuan o bahagi lang; (f) baguhin, i-port, isalin o gawan ng mga hinangong likha ang Software o ang Serbisyo; (g) i-decompile, kalasin, i-reverse engineer o kaya ay subukang kunin, i-reconstruct, tukuyin o tuklasin ang anumang source code, batayang ideya o algorithm, ng Software o ng Serbisyo sa anumang paraan; (h) tanggalin ang anumang mga abiso, label, o marka ng pagmamay-ari mula sa Software; o (i) gamitin ang Software o ang Serbisyo para sa paghahambing o pag-benchmark laban sa mga produkto o serbisyong ginawang available ng mga third party.

3. MGA KARAPATAN SA PAGMAMAY-ARI.

3.1. SOFTWARE AT SERBISYO. Pagmamay-ari ng Nuance at ng mga tagapaglisensya nito ang lahat ng karapatan, titulo, at interes sa Software at sa Serbisyo kasama ang, ngunit hindi limitado sa, lahat ng patent, copyright, trade secret, trademark at iba pang mga karapatan sa intelektwal na ari-arian na nauugnay dito, at lahat ng titulo sa mga nasabing karapatan ay mananatili sa Nuance at/o sa mga tagapaglisensya nito. Ang hindi awtorisadong pagkopya ng Software o ng Serbisyo, o pagkabigong sumunod sa mga paghihigpit sa itaas, ay magreresulta sa awtomatikong pagwawakas ng Kasunduang ito at ng lahat ng lisensyang ipinagkaloob alinsunod dito, at gagawin nitong available sa Nuance ang lahat ng legal at karampatang remedyo para sa paglabag doon.

3.2. THIRD PARTY NA SOFTWARE. Maaaring maglaman ang Software ng third party na software na nangangailangan ng mga abiso at/o karagdagang mga tuntunin at kundisyon. Matatagpuan ang naturang kinakailangang mga abiso at/o karagdagang mga tuntunin at kundisyon ng third party na software sa: http://swype.com/attributions at ginagawang bahagi ng at isinasama bilang sanggunian sa Kasunduang ito. Sa pamamagitan ng pagtanggap sa Kasunduang ito, tinatanggap Mo rin ang mga karagdagang tuntunin at kundisyon, kung mayroon, na itinakda roon.

3.3. DATA NG PANANALITA AT DATA SA PAGLILISENSYA.

(a) DATA NG PANANALITA. Bilang bahagi ng Serbisyo, ang Nuance ay gumagamit ng Data ng Pananalita, tulad ng ipinapaliwanag sa ibaba, upang ayusin, paghusayin at pagbutihin ang pagkilala sa pananalita at iba pang mga bahagi ng Serbisyo, at iba pang mga serbisyo at produkto ng Nuance. Sa pagtanggap sa mga tuntunin at kundisyon ng Kasunduang ito, tinatanggap, pinapahintulutan at sinasang-ayunan mo na maaaring kolektahin ng Nuance ang Data ng Pananalita bilang bahagi ng Serbisyo at ang nasabing impormasyon ay gagamitin lang ng Nuance o ng mga thirdy party na kumikilos sa ilalim ng pamumuno ng Nuance, alinsunod sa mga kasunduan sa pagiging kumpedensyal, upang ayusin, paghusayin at pagbutihin ang pagkilala sa pananalita at iba pang mga bahagi ng Serbisyo, at iba pang mga serbisyo at produkto ng Nuance. Hindi gagamitin ng Nuance ang mga elemento ng impormasyon sa anumang Data ng Pananalita para sa anumang hangarin maliban sa itinakda sa itaas. Ang ibig sabihin ng "Data ng Pananalita" ay ang mga audio file, nauugnay na transcription at log file na ibinigay mo alinsunod dito o nabuo kaugnay ng Serbisyo. Ang anuman at lahat ng Data ng Pananalita na ibinigay mo ay mananatiling kumpedensyal at maaaring ibunyag ng Nuance, kung kinakailangan, upang matugunan ang mga legal o pangkontrol na kinakailangan, tulad ng pagsunod sa utos ng hukuman o sa isang institusyon ng pamahalaan kung kinakailangan o pinahihintulutan ng batas, o sa kaganapan ng pagbebenta, pagsasama o pagkuha ng Nuance sa isa pang entity.

(b) DATA NG PAGLILISENSYA. Bilang bahagi ng Software at ng Serbisyo, ang Nuance at ang mga supplier nito ay nangongolekta rin at gumagamit ng Data ng Paglilisensya, tulad ng inilalarawan sa ibaba. Tinatanggap mo, pinapahintulutan at sinasang-ayunan na maaaring mangolekta ang Nuance ng Data ng Paglilisensya bilang bahagi ng probisyon ng Software at Serbisyo. Ginagamit ang Data ng Paglilisensya upang matulungan ang Nuance o mga third party na kumikilos sa ilalim ng pamumuno ng Nuance, alinsunod sa mga kasunduan sa pagiging kumpedensyal, na i-develop, buuin at pagbutihin ang mga produkto at serbisyo nito. Ang Data ng Paglilisensya ay itinuturing na hindi personal na impormasyon, dahil ang Data ng Paglilisensya ay nasa isang anyo na hindi nagbibigay-pahintulot sa direktang pag-uugnay sa anumang partikular na indibidwal. Ang ibig sabihin ng "Data ng Paglilisensya" ay impormasyon tungkol sa Software at sa Iyong Device, halimbawa: brand ng device, numero ng modelo, display, IP address, at katulad na data.

(c) Nauunawaan mo na sa pamamagitan ng iyong paggamit sa Softwate at sa Serbisyo, pinapahintulutan mo ang pangongolekta at paggamit tulad ng itinakda dito ng Data ng Pananalita at Data ng Paglilisensya, kasama ang paglilipat ng dalawa sa Estados Unidos at/o ibang mga bansa para sa pag-iimbak, pagproseso at paggamit ng Nuance at mga kasosyong third party.

(d) Sakop ang Data ng Pananalita at Data ng Paglilisensya ng naaangkop na patakaran sa pagiging pribado ng Nuance. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang patakaran sa pagiging pribado ng Nuance sa:http://www.nuance.com/company/company-overview/company-policies/privacy-policies/index.htm.

4. SUPORTA. Upang mapadali ang proseso ng pagsusuri at pagsubok sa Software at Serbisyo, maaaring sumangguni ang Nililisensyahan sa mga madalas itanong sa Nuance sa http://www.nuancemobilelife.com. Para sa karagdagang suporta, maaaring humiling ang Nililisensyahan ng nasabing suporta sa pamamagitan ng binanggit na website, at batay sa availability ng tauhan ng Nuance, maaaring magbigay ng mga makatwirang serbisyong pansuporta ang Nuance sa Nililisensyahan sa pamamagitan ng fax, email o iba pang mga paraan patungkol sa depekto at/o paglilinaw ng mga paggana at tampok ng Software at Serbisyo. Tutugon ang Suporta ng Nuance sa iyong mga tanong sa loob ng 48 oras ng negosyo (hindi kasama ang Sabado at Linggo at mga legal na holiday / holiday ng kumpanya).

5. PAGTATATWA NG MGA WARANTIYA. TINATANGGAP MO AT SINASANG-AYUNAN NA SA IYO LANG IBINIBIGAY NG NUANCE AT NG MGA TAGAPAGLISENSYA AT SUPPLIER NITO ANG SOFTWARE AT ANG SERBISYO UPANG PAHINTULUTAN KANG GAMITIN ANG SOFTWARE AT SERBISYO. DAHIL DITO, SUMASANG-AYON KA NA GAWIN ANG LAHAT NG PAG-IINGAT AT PAGBABANTAY NA KINAKAILANGAN UPANG PROTEKTAHAN ANG IYONG DATA AT MGA SYSTEM MULA SA PAGKAWALA O PINSALA. IBINIBIGAY NG NUANCE, NG MGA TAGAPAGLISENSYA AT SUPPLIER NITO, ANG SOFTWARE AT ANG SERBISYO NANG "GANOON MISMO," KASAMA ANG LAHAT NG KAKULANGAN, AT NANG WALANG KAHIT ANONG URI NG GARANTIYA. HANGGANG SA SUKDULANG PINAPAHINTULUTAN NG NAAANGKOP NA BATAS, PARTIKULAR NA ITINATATWA NG NUANCE AT NG MGA TAGAPAGLISENSYA AT SUPPLIER NITO ANG ANUMANG MGA HAYAGAN O IPINAHIWATIG NA GARANTIYA, KASAMA ANG ANUMANG MGA GARANTIYA NG KAKAYAHANG MAIBENTA, KAAKMAAN PARA SA ISANG PARTIKULAR NA LAYUNIN, O HINDI PAGLABAG.

6. LIMITASYON NG PANANAGUTAN. HANGGANG SA SUKDULANG PINAPAHINTULUTAN NG NAAANGKOP NA BATAS, HINDI KAILANMAN MANANAGOT ANG NUANCE, ANG MGA OPISYAL NITO, DIREKTOR, AT EMPLEYADO, ANG MGA SUPPLIER O TAGAPAGLISENSYA NITO, SA ANUMANG DIREKTA, HINDI DIREKTA, ESPESYAL, NAGKATAON, KINAHINATNAN O HUWARANG PINSALA, KASAMA ANG NGUNIT HINDI LIMITADO SA, MGA PINSALA PARA SA PAGKALUGI, PAGKAWALA NG DATA, PAGKAWALA NG PAGGAMIT, PAGKAANTALA SA NEGOSYO, O GASTOS SA PAGSAKLAW, NA MAGMUMULA SA PAGGAMIT SA SOFTWARE O SA SERBISYO, PAANO MAN NANGYARI, SA ILALIM NG ANUMANG TEORYA NG PANANAGUTAN, KAHIT NA NASABIHAN O NALAMAN DAPAT NANG MAAGA ANG TUNGKOL SA POSIBILIDAD NG PAGKAKAROON NG MGA NATURANG PINSALA.

7. TUNTUNIN AT PAGWAWAKAS. Nagsisimula ang Kasunduang ito sa Iyong pagtanggap ng mga tuntunin at kundisyon ng Kasunduang ito at mag-e-expire sa pagwawakas. Maaaring wakasan ng Nuance ang Kasunduang ito, at/o ang mga lisensyang ipinagkaloob alinsunod dito, anumang oras sa sarili nitong paghuhusga, mayroon man o walang sanhi, sa pamamagitan ng pagpapabatid sa iyo na nag-expire o winakasan na ang Serbisyo. Awtomatikong magwawakas ang Kasunduang ito kapag may nilabag Kang anuman sa mga tuntunin at kundisyon nito. Sa pagwawakas, dapat mong itigil agad ang paggamit ng, at dapat mong tanggalin ang lahat ng kopya ng Software.

8. PAGSUNOD SA PAG-EXPORT. Kinakatawan at winawarantiya mo na (i) Wala Ka sa isang bansa na sakop ng embargo ng Pamahalaang U.S., o itinalaga ng Pamahalaang U.S. bilang bansang "sumusuporta sa terorista"; at (ii) Hindi ka nakalista sa anumang listahan ng Pamahalaang U.S. ng pinagbabawal o pinaghihigpitang mga partido.

9. MGA TRADEMARK. Ang mga trademark, trade name, pangalan ng produkto at logo ng third-party (ang "Mga Trademark") na nilalaman o ginamit ng Software o ng Serbisyo ay ang mga trademark o nakarehistrong trademark ng mga partikular na may-ari ng mga ito, at ang paggamit ng naturang Mga Trademark ay magkakaroon ng bisa para sa benepisyo ng may-ari ng trademark. Nilayon ang paggamit ng naturang Mga Trademark upang isaad ang interoperability at hindi binubuo ang: (i) kaugnayan sa Nuance sa naturang kumpanya, o (ii) pag-endorso o pag-apruba ng naturang kumpanya ng Nuance at mga produkto o serbisyo nito.

10. NAMAMAHALANG BATAS. Ang kasunduang ito ay pamamahalaan ng mga batas ng Commonwealth of Massachusetts, United States of America, mayroon man itong mga salungatan sa mga prinsipyo ng mga batas, at sa pamamagitan nito, tinatanggap mo ang ekslusibong hurisdiksyon ng mga hukumang pederal at pang-estado sa nasabing Commonwealth kaugnay ng anumang hindi pagkakaunawaang magmumula sa Kasunduang ito. Hindi pamamahalaan ang Kasunduang ito ng United Nations Convention of Contracts for the International Sale of Goods, ang paglalapat nito ay tahasang ibinubukod dito.

11. SAKOP NG PAGBABAGO ANG MGA TUNTUNIN. Tinatanggap mo at sinasang-ayunan na maaaring baguhin ng Nuance ang mga tuntunin at kundisyon ng Kasunduang ito pana-panahon nang may makatwirang abiso sa address na ibinigay mo sa pag-sign up, kasama ang iyong email address. Kung hindi ka sumasang-ayon sa mga naturang pagbabago sa Kasunduang ito, ang iyong tanging remedyo ay ang pagtigil sa paggamit sa Software at sa Serbisyo. Ang iyong patuloy na paggamit ng anumang bahagi ng Software o Serbisyo pagkatapos kang bigyan ng Nuance ng makatwirang abiso tungkol sa naturang pagbabago para sa iyong pagsusuri ay ituturing na pagtanggap mo sa naturang pagbabago.

12. PANGKARANIWANG MGA LEGAL NA TUNTUNIN. Hindi ka maaaring magtalaga o kung hindi man ay maglipat ng anumang mga karapatan o obligasyon sa ilalim ng Kasunduang ito nang wala ng paunang nakasulat na pahintulot ng Nuance. Ang Kasunduang ito ay ang buong kasunduan sa pagitan mo at ng Nuance at sinasapawan nito ang anumang iba pang mga komunikasyon o advertising kaugnay ng Software. Kung hindi wasto o hindi maipatupad ang anumang probisyon ng Kasunduang ito, babaguhin ang probisyon para lang sa lawak na kinakailangan upang maayos ang pagiging hindi wasto o hindi pagpapatupad, at ang natitira sa Kasunduang ito ay patuloy na ipapatupad at magkakaroon ng epekto. Ang pagkabigo ng Nuance na isagawa o ipatupad ang anumang karapatan o probisyon ng Kasunduang ito ay hindi bubuo ng isang pagsuko ng naturang karapatan o probisyon. Mananatiling may bisa ang mga seksyon 2, 3, 5, 6, 7, 9, 10 at 12 ng Kasunduang ito pagkatapos ng pag-expire o pagwawakas ng Kasunduang ito.